DIVISORIA HAUL [698 Mall atbp.]

We go to the Divi para sa mga gagamitin sa Graduation ko. Tapos hinanap namin ni Mama yung 698 Mall na sinasabi nila na sikat sa Youtube. Actually hindi din namin alam kung saan. I watched the video of Ate Anne Clutz kaso di namin alam kung saan ang Lucky China Town.




 [ 698 MALL ]
Nung finally nahanap namin yung 698 Mall.
Wala kaming nakita sa baba kaya umakyat kami sa 2nd floor ng 698 which is ang dami mo talagang mabibili.

Hair pin. 48pcs. P11.00
P13.00
For Hairstyle. P20.00



This hairclip is only P12.00 with two style.



Kung mga tali / clip / pin sa buhok ang hanap nyo, marami dito sa 698, as in marami. Iba't ibang designs at styles. May mga nakaset din which is makakamura at makakatipid ka, kailangan mo lang talaga hanapin like nung kulay pink na 20pesos, mayron niyan dun na hiwa-hiwalay ang presyo pero nakahanap kami ng set na ganyan.


UNO Cards. P35.00



Ito! Ito yung nilalaro namin ng mga kaibigan ko sa school kapag break time kasama yung ibang mga kaibigan kong ROTC. Adik na adik kami sa laro na to. As in ginagabi kami kakalaro namin nito. At buti nakita ko siya nung palabas na kami ng 698 Mall. Mura na to kasi yung ginagamit namin is P69.00.
Sa baba lang siya makikita, sa gilid ng cashier. Bale nasa kanan kapag palabas ka na ng 698 Mall.






Masks. Large  - P13.00, Small - P9.00





We bought two small masks for me and my sister and the skull is for my father. Pero pagdating sa bahay hindi kasya yung dalawang maliliit na mask samin. Btw, wala dto yung isa, niligpit na yata pero Baymax ang design nun. Love ko si Baymax kaso kasi color pink yun kaya ayaw ko. Gusto ko white pa rin.


Cutics. P12.00



Really love this color. Kasi feeling ko bagay sakin. Bagay nga ba? O nag-fi-feeling lang ako? Hahaha. Magka-shade kasi sila ng lipstick ko na Kylie. Hashtag GGSK, Gandang ganda sa kuko.
Makikita niyo to sa banda ng mga hikaw at singsing.














Travel Bag.
Has a detachable pouch with zipper.


Travel Bag talaga to pero ginawa ko na tong pen case kasi hindi kasya mga pens ko sa dati kong lagayan. Hindi ko na ma-zipper yung dati. Ito yung pinakagusto ko sa lahat ng nabili namin. Sa IG stores kasi halos 300+ yung mga ganito, tapos ito 90 pesos lang. Kaya nung nakita ko talaga to ay pinabili ko na kay Mama. Ang maganda pa dito ay mahaba siya kaya hindi lang pens ang pwedeng ilagay. Nasa taas nakalagay yung round sharpener ko. At kasya ang pencil case ko! Yung mga eraser, staple wire, leads ng mechanical pencil ko at iba pang maliliit ay nasa detachable pouch. And sa mga bulsa ay nandun yung stapler ko.


May binili din kaming tig 12pcs na Suklay(maliit at malaki), Rings na pambata na 35pcs yata yun worth 108pesos, at Light bulbs na 3W at 5W.


At alam niyo bang inabot kami ng 5pm sa 698 Mall? Syempre hindi. At alam kong wala kayong pake. Hahaha. But yeah, sa sobrang daming pagpipilian kaya inabot kami ng ilang oras sa 698 Mall.


- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Sorry for the low quality.


Next naman ay naghanap kami ng dress na susuotin ko para sa Graduation.

Yang nasa left na picture yun. 350pesos siya pero natawaran namin ng 300pesos kasama na ang belt.


At yung kay Mama is Off shoulder na butas butas(Ano bang tawag dun?) na color peach worth 100 pesos. Pero nung grad na namin, yung kapatid ko na yung may suot kasi nakabili kami ng dress sa Bayan worth 280 na tinawaran namin ng 250pesos.









- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Habang pauwi na kami naghanap kami ng brush and sponge para sa make-up. Tapos may nakita kaming store ni Mama sa may Tutuban Center, sa baba, sa may pathwalk.

Brush Set. P55.00


 

Gusto ko lang din i-try itong Silicon Sponge kung effective din ba siya sa akin. Madami din kasi akong nakikitang reviews about this. Btw this is worth pesos



Sponge.
Nakikita ko din to lagi sa youtube. It is good to use for the under eye. Pero hindi siya malambot. I mean malambot siya kapag pipisatin mo pero kapag mag-aapply ka na, ayun parang may nanununtok sayo.

I forgot the prizes of some items. But we spent 160 pesos for the total amount of these 3 items.



- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Please do share it if you liked it and comment down below anything at least just say Hi :)
Don't forget to subscribe! Follow my blog with Bloglovin
Byieee. See you on my Next Blog!

No comments:

Post a Comment

Featured

Modern Calligraphy for Beginners using Simple Pen

You don't need to have good tools to make a good Calligraphy. Yah! You read it right! No need to have fountain pen and brushpens or a...

Popular Post